I like to help old people cross the streets. And, I like colorful hot air balloons.
Also, I don't like carrots.

Catching Elephant is a theme by Andy Taylor
Tagalog Post.
Kanina pauwi na ko, pumila ako sa terminal ng jeep na araw-araw ko namang ginagawa. Nakakainis lang kasi kanina tatlong couple yung nakasakay ko sa jeep. Hindi naman sa naiinggit ako pero nakakainis kasi sobrang PDA nila, at take note hindi sila magkakakilala. At ang nangyari pa tuloy parang nagpapaligsahan sila, pasweetan kumbaga. Sarap magmura eh. Hindi ko na alam kung saan ako titingin, kasi ‘pag lumingon ako kahit saang side, makikita ko ang isa sa sakanila. Baka isipin pa eh tinititigan ko yung ginagawa nila.
Paunawa lang sa mga mag-syota dyan, ilagay niyo naman sa lugar yung mga dapat eh ginagawa sa pribadong lugar, yung tipong kayong dalawa lang ang dapat makakita. Hindi yung proud na proud pa kayo, ang sagwa naman tignan.
Sorry for this post. I’m just pissed today.